Sabi ng Netflix, 'Nagkakaproblema kami sa pag-connect sa Netflix. (3.3)'
Kung may nakikita kang error na nagsasabing
Nagkakaproblema kami sa pag-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit mamaya o sumubok ng ibang network connection. (3.3)
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may setting ng configuration ng network na pumipigil sa Android phone o tablet mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.
Mga public network:
Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.
Mga private network:
Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.
Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.