Netflix Error 10035

Kung nakikita mo ang error code na 10035, na madalas na may kasamang isa sa mga sumusunod na message:

Nagkaproblema habang pine-play ang item na ito. Subukan ulit mamaya o pumili ng ibang item. Pumunta sa www.netflix.com/support para sa karagdagang impormasyon.
Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.

Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit mamaya.
Hindi ma-play ang title. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa Netflix. Sundin ang steps sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba.

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


  1. I-off o i-unplug ang streaming media player mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.

  4. I-on ulit ang streaming media player mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Tablet and modem show succesful Wi-Fi connection

Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article