Error na 'Pasenya na, nagkaproblema' kapag nagpapalit ng password

Puwede mong makuha ang error message na ito kapag nagpapalit o nagre-reset ng password.

Pasensya na, nagkaproblema. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.

Karaniwang lumalabas ang error na ito at kadalasang naaayos ito pagkalipas ng ilang sandali. Kung hindi maaayos ang error, puwedeng makatulong ang steps na ito para sa pag-troubleshoot.

Sundin ang steps na ito nang magkakasunod. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Subukan ulit gamit ang browser sa mobile phone o tablet mo, o sumubok ng ibang browser, tulad ng Google Chrome o Mozilla Firefox.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.

  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Kung sinubukan mo ang steps sa itaas at nagkaka-error pa rin, maghintay nang hindi iikli sa 24 na oras at subukan ulit.

Mga kaugnay na article:

Mga Kaugnay na Article