Nagkakaroon ako ng HDCP error sa Apple TV ko.

Kung nakakakuha ka ng HDCP (High-bandwidth Digital Content Protection) error sa Apple TV mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa hardware kung saan hindi makapag-play ng protektadong content ang device mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.

Para ayusin ang problema:

  1. Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.

  2. Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.

  3. Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.

  4. Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.

  5. Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.

  6. Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.

    • Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article