Pag-access at pag-update ng impormasyong nauugnay sa account mo
Sasabihin sa iyo ng article na ito kung paano mo maa-access at maa-update ang impormasyong nauugnay sa account mo.
Marami sa data na sino-store namin tungkol sa mga member namin ang maa-access agad kung magla-log in ka sa account mo sa isang browser at magki-click sa option na Account. Sa halos lahat ng sitwasyon, makikita sa page na ito ang impormasyong hinahanap ng mga member namin. Kung hindi mo makita sa ganitong paraan ang data na hinahanap mo, makipag-ugnayan sa privacy@netflix.com.
Sa Account page, maa-access mo ang impormasyong gaya ng:
Impormasyon ng account - impormasyon ng may-ari ng account na ibinigay mo sa Netflix, tulad ng email at phone number (available sa Membership at Billing o Seguridad), pati na ang impormasyon ng napiling plan (available sa Mga Detalye ng Plan o Membership).
Settings ng notification - mga preference mo pagdating sa mga komunikasyon ng Netflix na gusto mong matanggap (available sa profile sa Settings ng notification).
Privacy and Data Settings - mga preference mo pagdating sa:
Matched Identifier Communications - mga preference mo pagdating sa mga promotional na komunikasyon ng Netflix sa mga serbisyo ng third party (available sa profile sa Privacy and data settings).
Behavioral Advertising - kung naka-subscribe ka sa plan na may ads, ang mga preference mo pagdating sa kung gusto mong piliin ang ads batay sa behavioral advertising information (available sa profile sa Privacy and data settings, maliban sa mga Pambatang profile, kung saan walang behavioral advertising).
Impormasyon sa Pagbabayad at Billing – detalye sa pagbabayad na ibinigay mo sa Netflix at impormasyon tungkol sa mga siningil namin o sinubukang singilin sa paraan mo ng pagbabayad para sa subscription mo (available sa Membership at Billing o Membership).
Mga Profile - mga detalye ng kahit anong profile na ginawa sa loob ng Netflix member account mo, kasama ang mga preference sa playback (available sa profile sa Profile at Mga Kontrol ng Magulang o Mga Profile).
History ng Interaction sa Content - history ng iyong Activity sa panonood at impormasyon tungkol sa mga interaction mo sa mga content title sa Netflix, tulad ng mga pelikula at TV show na na-rate mo (available sa profile sa Profile at Mga Kontrol ng Magulang).
Access & device information - nagpapakita sa iyo ng mga detalye tungkol sa mga naka-sign in na device na naging aktibo sa account sa nakaraang 90 araw.
Puwede mong i-edit ang sumusunod na personal na impormasyon sa Netflix account mo gamit ang Account page:
email address
paraan ng pagbabayad
phone number
Puwede mo ring i-update ang password mo, i-adjust ang settings ng notification mo, at itago ang mga title sa activity sa panonood mo.
Puwede ka ring makipag-ugnayan sa Customer Service para sa tulong sa pagpapalit ng impormasyon:
pangalan
email address
paraan ng pagbabayad
password
Kung makikipag-ugnayan ka sa Customer Service, dapat kang makapasa sa isang proseso ng verification bago ka matulungan ng mga representative namin na mabago ang kahit ano sa mga ito sa account mo.
Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.