Netflix Error 5.7

May problema sa pag-play ng video. Pakisubukan ulit. (5.7)

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Android phone o tablet

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Samsung phone o tablet

I-off ang device mo, pagkatapos ay i-on ito ulit

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

I-reset ang system settings

Ire-reset lang ng steps na ito ang mga pagbabagong ginawa mo para i-customize ang phone o tablet mo, tulad ng mga setting ng mga notification at display at tunog. Hindi ide-delete ng mga ito ang kahit ano sa personal data mo, tulad ng mga na-download na app, larawan, music, at video. 
  1. I-tap ang Settings > General Management > Reset > Reset settings.

  2. I-tap ang reset settings. Posibleng ipalagay sa iyo ang screen lock pattern, PIN, o password ng device mo.

  3. Para i-confirm, muling i-reset ang settings.

  4. Pagka-restart ng device mo, subukan ulit ang Netflix.

Posibleng iba ang steps para i-reset ang system settings sa device mo. Para malaman ang steps para sa device mo, tingnan ang manual nito o makipag-ugnayan sa Samsung Support.

Mga Kaugnay na Article