Paano pigilan ang ilang partikular na paggamit ng personal information mo

Ipinapaliwanag ng article na ito kung paano binibigyan ng Netflix ang mga indibidwal ng mahahalagang mapagpipilian tungkol sa impormasyong puwede naming kolektahin tungkol sa iyo. Sa ibaba, inilalarawan namin ang mga kontrol na puwede mong i-access bilang member ng Netflix. Bukod pa rito, posibleng may iba pang kontrol na available sa iyo na puwede mong i-access, member ka man ng Netflix o hindi. Posibleng magkaiba-iba ang mga kontrol na ito depende sa mga uri ng device, web browser, o app na ginagamit mo. Puwede naming i-update ang article na ito paminsan-minsan para maipakita ang mga pagbabago sa mga naaayong batas at kasanayan namin.

Mga Kontrol ng Member

Kapag nag-subscribe ka sa account mo at naka-log in ka sa compatible na web browser, maa-access mo ang mga kontrol na inilalarawan sa ibaba. Pakitandaan na makakatulong sa amin ang paggamit sa mga kontrol na ito para maintindihan ang mga bagay na pinipili mo bilang member ng Netflix, pero hindi nito maaapektuhan ang iba pang kontrol na puwede mong gamitin kapag hindi ka namin maiugnay sa isang Netflix account.

Subscription Plan na may Ads ng Netflix - Pag-opt Out sa Behavioral Advertising

Ang behavioral advertising ay mga advertisement na pinipili batay sa paggamit at/o mga interaction mo sa mga hindi affiliated na third party website o app sa paglipas ng panahon.

Kapag nag-subscribe ka sa subscription plan na may ads, bibigyan ng Netflix ang bawat profile na hindi Pambata ng option na mag-opt out sa behavioral advertising sa Netflix. (Hindi ibibigay sa Pambatang profile ang option na mag-opt out, dahil hindi kami naglalagay ng behavioral advertising sa Pambatang profile.)

Puwede kang mag-opt out sa behavioral advertisement kung pipiliin mo ang angkop na profile at papalitan ang setting ng “Behavioral Advertising” sa menu na "Mga setting ng privacy at data" ng seksyong “Account” ng website namin. Kapag nag-opt out ka sa pagtanggap ng behavioral advertisement, makakakita ka pa rin ng Advertisement (ayon sa inilalarawan sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Netflix), pero hindi ito ibabatay sa behavioral advertisement.

Matched Identifier Communications mula sa Netflix

Pinapayagan kami ng ilang third party service na makipag-ugnayan sa aming mga member gamit ang online marketing tungkol sa content ng Netflix o mga serbisyo ng Netflix sa pamamagitan ng pagpapadala sa third party ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan na protektado ang privacy. Ang ibig sabihin ng privacy protected contact information ay gumagamit kami ng deidentification technologies para i-convert ang orihinal na impormasyon sa pakikipag-ugnayan (tulad ng email address o phone number) sa isang value para hindi mailantad ang orihinal na impormasyon. Inihahambing ng third party ang privacy protected contact information sa privacy protected information sa database nito at magkakaroon lang ng match enabling reidentification kung iisang identifier (tulad ng email address) ang ginamit mo sa Netflix at sa third party. Kung may mag-match, puwedeng magdesisyon ang Netflix kung magpapadala sa iyo o hindi ng Netflix marketing sa third party service na iyon. Puwede rin nitong i-optimize at mas mahusay na sukatin ang pagiging epektibo ng ganoong marketing. Puwede kang mag-opt out sa matched identifier communication na ito kung pipiliin mo ang angkop na profile at papalitan ang setting ng “Matched Identifier Communications” sa menu na "Mga setting ng privacy at data" ng seksyong “Account” ng website namin.

Pagtukoy Kung Nasa Tirahan para sa Netflix Mo ang Isang Netflix Device

Ginagamit namin ang impormasyon gaya ng mga IP address, device ID, at activity sa account para matukoy kung nasa Tirahan para sa Netflix mo ang isang device na naka-sign in sa account mo (para i-confirm kung pinapayagan ang device na gamitin ang account alinsunod sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit). Kung gusto mong tumigil kami sa pangongolekta ng impormasyon para sa layuning ito sa isang partikular na Netflix device, mag-sign out sa device na iyon.

Iba Pang Uri ng Pagpili at Kontrol

Kung hindi ka naka-log in o hindi ka member ng Netflix, kapag nag-access ka sa mga site gaya ng netflix.com, hindi namin iuugnay ang pag-access mo sa isang Netflix member account. Dahil dito, limitado ang kakayahan namin na matukoy ka. Pero puwede kang bigyan ng mga device, web browser, o app mo ng kakayahang kontrolin ang partikular na impormasyon na puwedeng kolektahin ng Netflix. Kasama sa mga ito ang:

Cookies

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa cookies na na-set sa pamamagitan ng aming website, pati na rin sa iba pang uri ng online na pagsubaybay (kasama ang pangongolekta ng impormasyon ng mga third party tungkol sa mga online activity mo sa paglipas ng panahon at sa lahat ng third party website o online na serbisyo para sa online behavioral advertising), at para makapili kaugnay ng mga ito, puwede mong i-click ito. Sa ngayon, hindi kami tumutugon sa mga signal na "huwag subaybayan" sa web browser. Tandaan: Ang pagkontrol sa cookies ay baka limitado sa web browser o device na iyon. Igagalang ang mga personal na pasya mo sa cookie kahit ano ang plan o status ng membership mo. Bukod pa sa mga option sa cookie na nakalista sa section na ito, kung magsa-subscribe ka sa subscription plan na may ads at gusto mong makapagpasya tungkol sa impormasyong gagamitin sa behavioral advertising sa Netflix bilang bahagi ng nasabing plan, puwede mong i-access ang mga kontrol sa subscription plan na may ads sa section na Pag-opt Out sa Behavioral Advertising ng Subscription Plan na may Ads ng Netflix.

Mga Nare-reset na Device Identifier

Paminsan-minsan, baka gumamit kami ng nare-reset na identifier ng device sa isang mobile device, tablet, o mga device para sa media streaming para tulungan kami sa marketing ng serbisyo ng Netflix o content sa subscription plan na may ads. Para makontrol ang setting ng nare-reset na identifier ng device, i-configure ang naaangkop na setting sa device mo (kadalasang nasa ilalim ng "privacy" o "mga ad" sa settings ng device mo). Puwede ka pa ring makakita ng mga marketing message na nagpo-promote ng Netflix (at mga Advertisement kung nag-subscribe ka sa isang subscription plan na may ads) sa device na iyon pero hindi pipiliin ang mga iyon batay sa paggamit ng behavioral advertising information ng nare-reset na device identifier. Tandaan: Ang pagkontrol sa nare-reset na identifier ay limitado sa device na iyon. Igagalang ang mga personal na pasya mo sa nare-reset na ID ng device kahit ano pa ang plan o status ng membership mo. Bukod sa pag-opt out sa device, kung magsa-subscribe ka sa subscription plan na may ads at gusto mong makapagpasya tungkol sa impormasyong gagamitin sa behavioral advertising sa Netflix bilang bahagi ng nasabing plan, puwede mong i-access ang mga kontrol sa subscription plan na may ads sa section na Pag-opt Out sa Behavioral Advertising ng Subscription Plan na may Ads ng Netflix.

Kontrol sa Pag-opt Out sa Digital Advertising Alliance (DAA)

Ang ilang third party na puwedeng mangolekta ng impormasyon mula o tungkol sa iyo sa mga serbisyo ng Netflix para makapagbigay ng mas angkop na advertising sa iyo ay kasali sa Digital Advertising Alliance (DAA) Self-Regulatory Program para sa Online Behavioral Advertising. Para isaad ang mga kagustuhan mo tungkol sa paggamit ng impormasyon sa online behavioral na pag-advertise o pag-advertise na batay sa interes sa mga website, pumunta sa:

Mga email at text message (SMS)

  • Mga email: Para makontrol kung anong mga email ang ipapadala sa bawat profile sa account mo, tingnan ang Paano i-manage ang email mula sa Netflix.

  • Mga text message (SMS): Kung mag-o-opt out ka sa mga alert, special offer at survey messaging, makakatanggap ka pa rin ng text message mula sa amin kung magre-request ka ng pag-reset ng password sa pamamagitan ng text message. Kung ayaw mo nang makatanggap ng kahit anong text message mula sa amin, puwede mong alisin ang phone number mo sa account mo ayon sa sumusunod:

    1. Sa web browser, pumunta sa Account page mo.

    2. Piliin ang Security, at Mobile phone para alisin ang phone number mo.

    3. Piliin ang I-delete ang Phone Number.

Mga push notification

Puwede mong piliing makatanggap ng mga push notification sa mobile mula sa Netflix. Kung mapagpasyahan mo sa ibang pagkakataon na ayaw mo nang makatanggap ng ganitong notification, puwede mong gamitin ang mga setting ng mobile device mo para i-off ang mga ito o i-access ang option na "Mga setting ng notification" para sa naaayong profile sa "Account" section ng website namin.

Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.

Mga Kaugnay na Article