Pag-delete, pag-aalis, at pagpapanatili ng impormasyon
Sumangguni sa naaangkop na seksyon sa ibaba para sa instructions kung paano alisin ang impormasyong nauugnay sa account mo.
Pagpapanatili ng Personal Information
Nagpapanatili kami ng personal information kung kinakailangan o pinapahintulutan ng mga naaangkop na batas at regulasyon, kasama ang pagsunod sa mga pinili mo, para sa mga layunin namin sa billing o records, at para matupad ang mga layuning inilalarawan sa Pahayag sa Privacy ng Netflix. Kasama rito ang isang device identifier, isang email address na nauugnay sa account, at isang naka-encrypt at naka-hash na version ng mga detalye mo sa pagbabayad. Ang ibig sabihin ng “pag-hash” ay “maitutugma” namin ang paraan ng pagbabayad (o email) mo kung ilalagay ulit ito sa aming mga system - pero hindi namin puwedeng gamitin ang impormasyon para makipag-ugnayan sa iyo o singilin ang paraan ng pagbabayad mo.
Kung nag-alis ka ng paraan ng pagbabayad, pero hindi mo pa nade-delete ang account mo, magpapanatili kami ng naka-encrypt at naka-hash na version ng mga detalye ng pagbabayad dahil sa mga nakasaad sa itaas.
Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.