Pag-delete ng Netflix account mo
Standard practice naming automatic na mag-delete ng mga Netflix account 24 na buwan pagkatapos ma-cancel ang membership. Para i-request na mas maagang ma-delete ang na-cancel mong Netflix account, sundin ang steps ayon sa device na ginagamit mo.
Kapag na-delete ang account mo, permanente ka nang mawawalan ng access sa activity at preferences mo sa account at marami pa.
Kung sa tingin mo, posibleng gustuhin mo pang gamitin ang account mo sa hinaharap, puwedeng i-cancel mo na lang ito. Kapag na-cancel ang membership mo at bumalik ka sa Netflix sa susunod na 24 na buwan para i-restart ang membership mo, nariyan lang ang mga profile mo, preferences sa panonood, at iba pa.
Ilang bagay na dapat tandaan kung magdesisyon kang i-delete ang Netflix account mo:
Kung active ang membership mo, maka-cancel ito sa katapusan ng kasalukuyang billing period at permanenteng made-delete ang account.
Puwede mong i-undo ang request mo para sa pag-delete sa Account page kahit kailan bago ang katapusan ng kasalukuyan mong billing period.
Kapag permanente nang na-delete ang account mo, kailangan mong mag-sign up para sa bagong account para makapag-Netflix ulit
Para sa impormasyong kaugnay ng pagpapanatili ng ilang partikular na impormasyon na naaayon sa batas, basahin ang “Pagpapanatili ng Impormasyon” sa page na Pag-delete, pag-alis, at pagpapanatili ng impormasyon.
Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.