Netflix Error tvq-pb-101 (2.10.5006)
Kung makikita mo ang error code na tvq-pb-101 (2.10.5006), na madalas na may kasamang ganitong message:
Ginagamit sa masyadong maraming device ang Netflix account mo. Ihinto ang pag-play sa iba pang device para magpatuloy. Pumunta sa netflix.com/help para sa iba pang impormasyon.
Naabot na ng Netflix account mo ang maximum na bilang ng mga active na stream. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.
Sa ibang device na gumagamit ng account mo, itigil ang pag-play ng Netflix o isara ang Netflix app. Kung hindi mo alam kung aling mga device sa account mo ang sabay na nagpe-play ng Netflix, puwede mong tingnan kung aling mga device ang kakapanood lang.
Tandaan:Pagkatapos itigil ang Netflix sa ibang device, posibleng kailangan mong maghintay nang 5–10 minuto bago ka makapanood sa device mo.
O, i-upgrade ang Netflix plan mo para payagan ang mas maraming device na makapanood nang sabay-sabay (hanggang 4 sa Premium plan).
Kung ginagamit ang account mo nang walang pahintulot mo, puwede mong pigilan ang ibang tao na gamitin ang account mo.