Sabi ng Netflix, 'Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon.'

Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon

Puwedeng mangyari ang error na ito kapag pinigilan ng isang isyu sa network ang device mo na makipag-ugnayan sa Netflix, o kung may problema sa TV show o pelikulang sinusubukan mong panoorin.

Kung may nakikita kang ibang error message, o kung sinusundan ng error code ang error message mo, i-search sa aming Help Center ang error message o code na nakikita mo (halimbawa, "hindi maka-connect sa Netflix" o "ui-1234").

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

I-uninstall ang Netflix

  1. Pumunta sa Xbox 360 Dashboard, at pagkatapos ay pumunta sa Apps.

  2. Piliin ang My Apps, pagkatapos ay i-highlight ang Netflix app.

  3. Pindutin ang X button, pagkatapos ay piliin ang Delete > Yes.

I-reinstall ang Netflix

  1. Sa Xbox 360 Dashboard, pumunta sa Apps.

  2. Piliin ang Netflix para makuha ang app.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

  1. Pindutin ang Guide button sa controller mo.

  2. Piliin ang Settings.

  3. Piliin ang System Settings.

  4. Piliin ang Storage.

  5. I-highlight ang Memory Unit, Hard Drive, o USB Storage, tapos, pindutin ang Y sa controller mo.

  6. Piliin ang Clear System Cache.

    • Kung hindi mo makita ang Clear System Cache, mag-check ng ibang storage device.

  7. Kapag ipina-confirm ang storage device maintenance, piliin ang Yes.

  8. Kapag na-clear mo na ang system cache, subukan ulit ang Netflix.

  1. Sa Dashboard ng Xbox, piliin ang Settings, pagkatapos ay System.

  2. Piliin ang Storage.

  3. Piliin ang All Devices kung mayroon nito, o piliin ang unang device sa list. Pinakamalamang na Memory Unit, USB storage, o Hard Drive ito.

    Tandaan:Kung marami kang nakikitang device, ulitin ang sumusunod na steps para sa bawat device.

  4. Piliin ang Games and Apps.

  5. Piliin ang Netflix.

  6. Piliin ang Netflix Saved Game.

  7. Piliin ang Delete.

  8. Piliin ang Yes para i-confirm.

  9. Kung makikita mo ang Netflix Xbox 360 Game, piliin ito, pagkatapos ay piliin ang Delete and confirm.

  10. Kung makikita mo ang Netflix Title Update, piliin ito, pagkatapos ay piliin ang Delete and confirm.

  11. Subukan ulit ang Netflix.

Kung may parehong problema sa ibang TV show o pelikula, laktawan ang steps na ito.

Kung normal na nagpe-play ang ibang TV show o pelikula, puwede mong sabihin sa amin ang problema.

  1. Sa web browser, pumunta sa Activity sa Panonood sa account mo.

  2. Sa list, hanapin ang TV show o pelikulang may isyu at i-click ang Mag-report ng Problema.

  3. Sundin ang instructions, pagkatapos ay i-click ang Mag-report ng Problema.

Kikilos ang content teams namin para ayusin ang isyu sa lalong madaling panahon. Sa ngayon, puwede ka pa ring manood ng ibang TV show at pelikula. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Paano mag-report ng mga isyu sa title.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

  1. Pindutin nang matagal ang power button sa harap ng console hanggang sa mamatay ito nang tuluyan.

  2. I-unplug ang power cable sa likod ng console para i-disconnect ang power brick sa console.

  3. Pindutin ang power button sa console nang limang beses. Sisiguraduhin nitong made-drain ang natitirang power sa battery, at maki-clear ang cache sa console.

  4. Isaksak ulit ang power cable sa console.

  5. I-on ang console gamit ang power button.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Baka may isyu sa connection ang device mo at ang TV.

Para ayusin ang problema:

  1. Siguraduhing HDMI cable ang gamit mo.

  2. Subukang pagbaligtarin ang mga dulo ng HDMI cable.

  3. Direktang i-connect ang device mo sa TV mo gamit ang HDMI cable sa halip na padaanin ito sa anumang receiver o sound system.

  4. Subukang kumonnect sa ibang HDMI port sa TV mo.

  5. Subukang gumamit ng bagong HDMI cable.

  6. Kung mayroon, subukan kung gagana sa HDMI port ng ibang TV.

    • Kung nakakapag-stream ka sa ibang TV, baka may isyu sa HDMI port sa unang TV. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng TV para sa tulong.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article