Sabi ng Netflix, ' Hindi available para mapanood agad ang title na ito.'

Hindi available para mapanood agad ang title na ito. Subukan ang ibang title.

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

  1. Sa error screen, piliin ang Umalis o Iba Pang Detalye > Umalis sa Netflix.

  2. Buksan ang Netflix, pagkatapos ay subukan ulit.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang Netflix page sa Play Store, tapos, i-tap ang I-update.

Puwede mo ring i-update ang Netflix app gamit ang steps na ito:

  1. Buksan ang Play Store app. Kung wala ka nito, baka kailangan mong mag-ayos ng isyu sa Play Store.

  2. Sa Search bar, i-type ang "Netflix."

  3. I-tap ang Netflix app sa list. Kung hindi mo makita ang Netflix app, sa halip aysundin ang steps sa article na ito.

  4. I-tap ang I-update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu.

  4. I-tap ang Mag-sign Out, at pagkatapos ay i-tap ang Mag-sign Out para i-confirm.

  5. Mag-sign in ulit sa Netflix mo, at subukan ulit.

Pumunta sa Mga browser na supported ng Netflix para i-update ang web browser mo o kumuha ng ibang browser.

  1. Sa home screen ng Netflix, itapat ang cursor mo sa profile icon mo sa kanang sulok sa itaas ng page.

  2. Piliin ang Mag-sign out sa Netflix.

  3. Mag-sign in ulit at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article