Ayusin ang problema sa TV o streaming media player mo

Kung hindi gumagana ang Netflix sa TV mo o sa device na naka-connect sa TV mo, kadalasang maaayos mo ang problema gamit ang basic steps na ito para sa pag-troubleshoot.

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Subukang mag-search sa aming Help Center para sa problema o error code na mayroon ka. Posibleng may article sa aming Help Center na may steps para ayusin ang eksaktong problema o error sa device mo.

Kung hindi naayos ng steps ang problema o kung walang article na tumugma sa problema mo, makipag-ugnayan sa Customer Service para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article