Sabi ng Netflix, 'Hindi available ang title na ito sa kasalukuyan mong rehiyon.'

Kung nakikita mo ang error code na E103 o ang message na ito:

Hindi available ang title na ito sa kasalukuyan mong rehiyon. Pumili ng ibang title.

Ibig sabihin nitong hindi malaman ng Netflix kung nasaang bansa ka sa kasalukuyan. Para maayos ang problema, piliin ang option sa ibaba na pinakaangkop sa iyo:

Tingnan ang mga dahilan kung bakit hindi available ang TV show o pelikulang pinapanood mo o kung bakit hindi na ito lumalabas sa search.

Puwedeng mangyari ang error na ito kung may active na VPN sa device o network mo habang nagne-Netflix ka. Para maayos ang problema, i-off ang VPN mo at subukan ulit ang Netflix.

Para alamin pa ang tungkol sa mga VPN, tingnan kung may active na VPN, o i-off ang VPN mo, pumunta sa Panonood ng mga TV show at pelikula gamit ang VPN.

Ang mga TV show at pelikulang available sa Netflix sa ibang bansa ay posibleng iba sa ibang bansa at baka kailangang i-refresh ang device mo.

Para maayos ang problema, mag-sign out at mag-sign in ulit sa Netflix.

Bago mag-sign out, siguraduhing alam mo ang email at password mo sa Netflix.

Kung hindi ka nagta-travel o kung hindi ka bagong lipat sa ibang bansa o rehiyon, baka hindi malaman ng Netflix kung nasaan ka batay sa internet connection mo. Para maayos ang problema, sundin ang steps sa Akala ng Netflix, nasa ibang bansa ako.

Mga Kaugnay na Article