Manood ng mga TV show at pelikula sa pamamagitan ng VPN

Kapag gumamit ng mga VPN (virtual private network), puwedeng magmukhang kumo-connect ang device o network mo sa Netflix mula sa isang lugar na iba sa aktwal mong lokasyon. Habang nanonood ng Netflix gamit ang VPN, magpapakita lang kami sa iyo ng mga TV show at pelikula na pag-aari namin sa buong mundo, gaya ng Squid Game o Stranger Things.

Kung wala kang nakikitang TV show at pelikula na available sa bansa mo, baka kailangan mong i-off ang VPN mo.

Tandaan:Hindi pinapayagan ang panonood ng Netflix gamit ang isang VPN sa plan na may ads. Hindi mapapanood ang mga live event sa Netflix habang gumagamit ng VPN.

Para malaman kung may naka-on na VPN:

  1. Gamit ang isang computer o mobile device, magbukas ng web browser.

  2. Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.

  3. Kapag natapos na ang test, i-click ang Magpakita pa ng impormasyon.

  4. Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa.

Kung hindi nagma-match ang bansa sa kasalukuyan mong lokasyon, karaniwang nangangahulugan ito na may naka-on na VPN sa device o network mo.

Para makakuha ng steps sa pag-off ng VPN, makipag-ugnayan sa VPN provider, internet service provider, o administrator ng network mo.

Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-off ng VPN dahil magkakaiba ang steps para sa bawat VPN o serbisyo.

Mga Kaugnay na Article