Ads sa Netflix

Nag-aalok ang Netflix ng iba't ibang plan at experience para maibigay ang kailangan mong entertainment, at may ads ang ilan sa mga ito. Para alamin pa ang tungkol sa ad experience sa Netflix, pumili mula sa mga seksyon sa ibaba.

Experience na may ads

Sa experience na may ads, mae-enjoy mo ang Netflix sa mas mababang presyo. Sa aming mga experience na may ads, may commercial breaks sa karamihan ng mga TV show at pelikula.

Kahit na available ang karamihan ng mga TV show at pelikula nang may experience na may ads, may ilang hindi available dahil sa licensing restrictions. Lalabas ang mga title na ito nang may lock icon kapag nag-search o nag-browse ka sa Netflix.

Hindi available sa lahat ng rehiyon ang mga experience na may ads. Tingnan kung aling mga plan at experience ang iniaalok sa bansa mo.

Tandaan: May kaunting device na compatible sa Netflix ang hindi magagamit sa experience na may ads sa Netflix dahil hindi ma-update ang Netflix app o software na nasa device para ma-support ito.

Sa experience na may ads, puwede kang makakita ng ilang maikling ads kada oras. Sinisikap naming ilagay ang ads sa natural na plot breaks para sa mas magandang experience.

Makakakita ka ng ads bago at habang pinapanood ang mga piling TV show at pelikula. May ads lang bago magsimula ang ilang bagong release na pelikula.

Ipinapakita ang ad breaks sa progress bar kapag na-pause ang playback. Kapag nagsimula ang ad break, lalabas sa kanang sulok sa itaas ang bilang ng ad na ipapakita.

Hindi ka puwedeng mag-skip o mag-fast forward ng ads habang nanonood ng mga TV show at pelikula, pero puwede mong i-pause ang playback habang may ad.

Kapag nanonood ng Netflix sa iPhone, iPad, Apple TV, computer web browser o sa Netflix app mo para sa Windows 10 at mas bago, puwede kang magbigay ng feedback o mag-report ng isyu sa ad.

Posibleng piliin ang ads batay sa mga interaction mo sa Netflix (gaya ng genre ng pinapanood na content), karaniwang lokasyon mo (gaya ng lungsod at state), at impormasyong ibinibigay mo sa Netflix. Maliban kung nag-opt out ka, posible ring piliin ang ads batay sa paggamit at/o mga interaction mo sa iba't ibang hindi affiliated na third-party app o website sa Internet (behavioral advertising). Kung nag-opt out ka sa pagtanggap ng behavioral ads, makakakita ka pa rin ng ads, pero hindi pipiliin ang mga ito gamit ang behavioral advertising information.

Pagkatapos mong mag-sign up o lumipat sa experience na may ads at piliin ang pangunahing profile mo, hihingin namin ang petsa ng kapanganakan at kasarian ng may-ari ng account. Gagamitin namin ang basic demographic data na ito, pati na rin ang general location information batay sa IP address mo, para makatulong na i-personalize ang advertising at pagandahin ang alok na produkto.

Kung may tanong ka tungkol sa privacy at seguridad, pumunta sa aming Help page sa Privacy at Seguridad. Ipinapaliwanag pa ng aming Pahayag sa Privacy ang tungkol sa privacy at kung paano namin ginagamit ang data mo.

Kasama ang mga live event sa kahit anong Netflix plan. Posibleng may commerical break ang mga live event, special event, o iba pang bagong feature sa lahat ng plan namin. Sa mga experience na walang ads, walang commerical break sa mga TV show at pelikula, pero puwedeng may ibang uri ng commercial content ang mga ito.

Hindi available ang pag-fast forward at pag-skip kapag nagpe-play ang ad sa mga live event.

Kapag tapos na ang live event, inaalis ang commercial breaks para sa mga experience na walang ads.

  • Minsan, posible kang makakita ng ads sa loob ng ilang saglit pagkatapos ng live event, pero makakapag-fast forward ka.

Kasalukuyang hindi nagpapakita ng ads sa mga Pambatang profile.

Kasalukuyang hindi nagpapakita ng ads sa mga game.

Mga Kaugnay na Article