Sabi ng Netflix, 'Hindi supported ang naka-connect na display. (10065)'

Hindi Ma-play ang Video
Hindi supported ang naka-connect na display. (10065)

Puwedeng mangyari ang error na ito kung gumagamit ka ng hindi supported na video output method, o kung hindi supported ng Netflix plan mo ang paggamit ng mobile device para manood ng Netflix sa TV.

Para ayusin ang problema:

Hindi available ang paggamit ng mobile device para manood ng Netflix sa TV sa experience na may ads o Mobile plan.

Kung mayroon kang experience na may ads, kailangan mong lumipat sa plan na walang ads.

Kung mayroo kang Mobile plan, kakailanganin mong i-upgrade ang plan mo sa isang plan na supported ang panonood ng Netflix sa TV.

Siguraduhing supported ang video adapter mo

  1. Alisin ang lahat ng cable na naka-connect sa adapter, pagkatapos ay i-connect ito sa iPhone o iPad mo.

  2. Pumunta sa Settings > General > About > Apple HDMI Adapter.

  3. I-check ang Model Number.

Para sa mga problema sa mga iPhone o iPad device na may USB-C port, posibleng makatulong ang mga option na ito:

  • Siguraduhing naka-set sa tamang video input source ang TV o display mo.

  • Siguraduhing sinu-support ng video cable o adapter mo ang HDCP 2.2.

  • Subukang pagpalitin ang mga dulo ng video cable o adapter.

  • Kung posible, subukang mag-connect sa ibang video port sa TV o display mo.

Kung supported ng plan mo ang panonood sa TV at mayroon kang pang-Netflix na TV o streaming device, puwede kang direktang manood sa TV mo gamit ang Netflix app.

Mga Kaugnay na Article