Kung hindi mo mahanap ang Netflix game na gusto mong i-download at laruin, may ilang dahilan para rito.
Posibleng hindi lumabas ang game kapag hinanap mo ito sa Netflix app o sa mga app store kung hindi natutugunan ng device mo ang mga minimum na kinakailangan.
Tingnan ang sumusunod na instructions para sa device mo para malaman kung malalaro ng device mo ang game.
Para magkapaglaro ng Netflix Games, Android OS 8 o mas bago dapat ang gamit ng Android device mo.
Para tingnan ang version ng Android mo:
Buksan ang Settings app.
Piliin ang About phone o About tablet.
Hanapin ang number sa ilalim ng Android version.
Para maglaro ng Netflix Games, iOS o iPadOS 15.0 o mas bago dapat ang ginagamit ng device mo.
Para tingnan ang version:
Pumunta sa Settings.
Mag-scroll pababa at piliin ang General.
Piliin ang About.
Nakalagay sa tabi ng Version ang version number mo.
Tandaan:May mga karagdagang requirement ang ilang Netflix Games. I-check ang ang article para sa mga detalye ng isang partikular na game.
Kung hindi compatible ang device mo, subukang maglaro sa ibang device.
Ang mga game ay sa mga mobile device lang malalaro at sa Play Store o App Store lang mada-download. Hindi puwedeng sa mga TV o iba pang katulad na platform laruin ang mga game.
Hindi lalabas ang Netflix games kapag Pambatang profile ang ginagamit, at hindi ka makakapag-sign in sa game gamit ang Pambatang profile.
Gumamit ng profile na hindi Pambata para makakita at makapag-download ng mga game.
Kung ang game ay may maturity rating na mas mataas sa Profile na ginagamit mo, hindi lalabas sa Netflix app ang game.
Baka may nabalitaan ka tungkol sa paparating na laro at gusto mo itong subukan. Kapag available na ang isang Netflix game, lalabas ito sa article ng Netflix Games sa Mga Available na Game.
Kung hindi pa ito nakalista, bumalik sa ibang pagkakataon.