Spatial audio sa Netflix

Available ang Netflix spatial audio sa Premium plan at pinapaganda nito ang tunog nang hindi nangangailangan ng mga surround sound speaker o home theater equipment Gumagana ito sa lahat ng supported device ng Netflix.

Makikita mo ang mga TV show at pelikula na may spatial audio sa device mo sa pamamagitan ng pag-search ng "spatial audio" sa Netflix app. Ang mga title na may spatial audio ay magkakaroon ng label na spatial audio sa tabi ng paglalarawan nito.

Automatic na magpe-play nang may spatial audio ang mga TV show at pelikula na supported ang spatial audio.

Kakailanganin mo ng:

Paalala:Magpe-play ang mga TV o soundbar na gumagamit ng 5.1 surround sound o Dolby Atmos gamit ang teknolohiyang iyon sa halip na spatial audio. Sa ilang TV o device, baka kailangan mong palitan ang setting ng audio output mula 5.1 at gawing stereo para mag-play gamit ang spatial audio. Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device o audio equipment mo.

Kakailanganin mo ng Netflix Premium plan, compatible na device, at compatible na earbuds o headset.

Pumili ng option para sa listahan ng mga compatible na device at steps para i-on ang head tracking:

Samsung phones at earbuds na may Netflix spatial audio:

  • Samsung Galaxy S23

  • Galaxy Buds Pro

  • Galaxy Buds2

  • Galaxy Buds2 Pro

Para i-on ang head tracking:

  1. I-connect ang earbuds mo sa phone mo.

  2. Buksan ang Galaxy Wearable app.

  3. I-tap ang Settings ng Earbud > Advanced. Para sa Buds2 Pro, i-tap ang 360 audio.

  4. I-tap ang switch para i-on ang 360 audio.

  5. I-tap ang switch para i-on ang Head tracking.

Mga Kaugnay na Article