Bloons TD 6 - Game Support
Patalasin ang darts mo! Protektahan ang Monkey Towers mula sa walang tigil na lumulusob na makukulay na balloon. Habang dumarami ang napuputok mo, maa-unlock ang mas maraming ability at hero.
Mga Platform: Android phone at tablet, iPhone, iPad, o iPod touch
Game category: Arcade / Strategy
Bilang ng players: Single player at multiplayer
Offline play: Mayroon (kailangan ng internet sa ilang feature)
Cloud saves: Mayroon
Content rating: Tingnan ang page sa app store ng game
Mga Wika: Arabic, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional), Danish, Finnish, French, German, Italian, Japanese, Korean, Norwegian, Polish, Portuguese (Brazil), Russian, Spanish (Castilian), Spanish (Latin America), Swedish, Thai, Turkish
Developer: Ninja Kiwi
Mga Requirement
Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:
Compatible na device:
Android phone o tablet na gumagamit ng Android 8.0 o mas bago
iPhone na may iOS 16 o mas bago
iPad na may iPadOS 16 o mas bago
Active subscription sa Netflix
Internet connection para i-download at i-install ang game
Sapat na storage space sa device mo
Pag-install
Mula sa Netflix app
Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at Mga Game sa ibaba.
Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.
Tandaan:Hindi nakikita ang row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.
Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.
I-tap ang I-install.
Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.
Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!
Mula sa Play Store
Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.
Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.
Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.
Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.
Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo
Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!
Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.
Mula sa Netflix app
May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.
Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.
Note:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano mag-update ng Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.
Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.
I-tap ang Get o Cloud icon sa banner ng App Store.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.
Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.
Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!
Mula sa App Store
Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.
Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.
Piliin ang game sa mga resulta ng search, at i-tap ang Get o ang Cloud icon.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.
Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.
Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.
Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!
Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.
Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.
Posibleng may mga spoiler sa ibaba.
Oo. Kung may pinakabagong version ng app ang parehong player, puwede kayong maglaro ng mga mabilis at pribadong co-op match kasama ng mga player ng iba't ibang version ng Bloons TD 6 o BTD6+.
Sa kasamaang-palad, hindi supported ang pag-sync ng data sa pagitan ng tatlong version ng game.
Habang naglalaro ng Bloons TD 6, makakakita ka ng mga ligtas na pangalan para sa mga player sa standard na may bayad at BTD6+ na version. Pero makikita mo ang mga game handle sa Netflix kapag nakaharap mo ang ibang player sa Netflix version ng game.
Ang Bloons TD 6 sa Netflix ay parehong game, at nag-aalok ito ng parehong content pero walang mga in-app purchase. Makakakuha ang mga version ng parehong mga update, kahit na baka magkaroon ng kaunting delay dahil sa iba't ibang proseso ng pag-review.
Nagkakaproblema ka ba sa game? Ito ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.
Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
I-restart ang device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:
Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.
Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.
Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.
Kung choppy o putol-putol ang sound:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Kung may nakikita kang NGP error, pumunta sa ka-match na article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.
Kung makakita ka ng error message na nagsasabing "Hindi Compatible ang Mga Uri ng Game" habang sinusubukang maglaro nang co-op, posibleng ibig sabihin nitong hindi mo ginagamit o hindi ginagamit ng co-op partner mo ang pinakabagong version ng game. Para kumpirmahin kung pareho ang version ninyo:
Pumunta sa settings menu sa game
Tingnan kung magkapareho ang version number sa ibaba ng screen.
Kung hindi magkapareho ang mga ito, tingnan kung may mga available na update sa game. I-install ang mga ito at subukan ulit.
Kung pareho ninyong ginagamit ang pinakabagong version pero nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa support team ng Ninja Kiwi at banggitin ang userID mo. Para mahanap ang userID mo, i-load ang game at piliin ang option na settings (kinakatawan ng gear sa kaliwa). Makikita ang userID mo sa ibaba ng screen.
Kung makakita ka ng error message na nagsasabing "Hindi available ang feature na ito dahil na-flag ang account mo," makipag-ugnayan sa support team ng Ninja Kiwi at banggitin ang userID mo. Para mahanap ang userID mo, i-load ang game at piliin ang option na settings (kinakatawan ng gear sa kaliwa). Makikita ang userID mo sa ibaba ng screen.
Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game:
Siguraduhing naka-log in ka sa tamang Netflix account kung saan na-save ang data. Puwede kang lumipat ng Netflix account sa pamamagitan ng pag-click sa icon ng Netflix account mo sa kanang bahagi sa itaas ng title screen o main menu.
Kung naka-log in ka sa tamang account pero wala pa rin ang data, makipag-ugnayan sa support team ng Ninja Kiwi at banggitin ang userID mo. Para mahanap ang userID mo, i-load ang game at piliin ang option na settings (kinakatawan ng gear sa kaliwa). Makikita ang userID mo sa ibaba ng screen.
Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.
Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.