Paano bawasan ang mga carbon emission mula sa panonood mo
Naninindigan ang Netflix na bawasan ang sarili naming carbon footprint, kasama na rito ang nanggagaling sa mga set ng production namin para sa mga TV show at pelikulang gustong-gusto ng mga member namin.
At kahit na hindi nagdudulot ng maraming carbon emission ang panonood ng Netflix sa bahay kumpara sa iba pang pang-araw-araw na aktibidad, pangunahing nanggagaling sa mga electronic device sa bahay mo ang mga emission na idinudulot nito. Nagsisikap na ang Netflix na gawing matipid sa kuryente ang pag-stream hangga't maaari, pero narito ang ilang tip na magagawa mo sa bahay para mabawasan ang mga carbon emission habang nanonood ka:
I-set ang TV mo sa Eco-mode. Makakatulong ito para automatic na magtipid ng kuryente ang TV mo.
I-dim ang mga ilaw. Gumagamit ng mas maraming kuryente ang mga screen kapag nanonood ka sa maliwanag na kuwarto. Kapag pinadilim ang mga ilaw sa bahay, makakatulong kang makatipid ng kuryenteng ginagamit ng mga ilaw at TV mo.
Piliin ang pinakamagandang sukat ng screen. Sa TV screen mo nanggagaling ang karamihan sa kuryenteng ginagamit mo para manood sa bahay. Puwede mong i-optimize ang panonood mo at puwede kang makatipid ng kuryente kung pipili ka ng TV na matipid sa kuryente at angkop sa sukat ng kuwarto mo.
Gumamit ng mga ni-refurbish at ni-recycle na device. Maraming retailer ang nag-aalok ng mga bago at dekalidad na device na gawa mula sa mga halos hindi nagamit at ni-recycle na piyesa, na makakabawas sa epekto sa kapaligiran ng pag-manufacture ng electronics.
Gumamit ng Wi-Fi. Kapag available, sa bahay o mga pampublikong lugar, mas maganda ang Wi-Fi kaysa sa mga mobile network dahil karaniwan itong hindi gumagamit ng dagdag na kuryente para mag-stream.
Gamitin ang "Auto Mode” sa mobile. Panatilihing naka-set sa “Auto Mode” ang mobile device mo para mag-optimize para sa streaming quality, paggamit ng data, at mga bilis ng Internet Connection.