Sinasabi ng Netflix na, 'Naka-hold ang account mo dahil sa problema sa nakaraan mong pagbabayad.'

Kung nakikita mo ang error code na E101 o ang error message na ito:

Naka-hold ang account mo dahil sa problema sa nakaraan mong pagbabayad.

Ibig sabihin nito, hindi maproseso ng Netflix ang pagbabayad para sa account mo. Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari:

  • Posibleng walang sapat na pondo sa paraan ng pagbabayad.

    • Pakitandaang makakaapekto ang iba pang nakabinbing pagsingil o authorization sa available na balanse sa card mo.

  • Nag-expire na o hindi na valid ang paraan ng pagbabayad.

  • Hindi inaprubahan ng iyong pinansyal na institusyon ang buwanang singil.

  • Hindi tumutugma ang impormasyon sa pagbabayad na ibinigay sa Netflix sa kung ano ang nasa file ng bangko mo.

  • Sa US lang: Hindi tumutugma ang zip code ng credit card sa Netflix account mo sa kung ano ang nakalista sa bangko mo.

Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

Para ma-enjoy ulit ang Netflix, i-update o palitan ang iyong paraan ng pagbabayad.

Puwede mong subukan ulit ang paraan ng pagbabayad na iyon sa pamamagitan ng paglalagay ulit sa kasalukuyang impormasyon ng account mo, o puwede kang sumubok ng ibang option sa pagbabayad. Automatic ding susubukan ulit ng Netflix ang mga pumalyang pagbabayad nang paminsan-minsan sa loob ng billing cycle mo para tulungan kang ma-enjoy ulit ang serbisyo.

Note: Kung matagumpay mong na-update ang paraan mo ng pagbabayad, pero makikita pa rin ang error sa TV o TV-connected device mo, subukang i-click ang Bumalik o I-refresh para i-refresh ang system at bumalik sa streaming.

Kung hindi naging matagumpay ang pagsubok mo ulit sa pagbabayad o pagsubok ng iba pang option sa pagbabayad, magpatuloy sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Kung nakikita mo pa rin ang error na ito pagkatapos mong i-update ang iyong paraan ng pagbabayad, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa iyong pinansyal na institusyon. Narito ang ilang tanong na puwede mong tanungin para malaman kung bakit hindi namin maproseso ang pagbabayad mo:

  • May sapat bang pondo para mabayaran ang singil mula sa Netflix?

  • Para sa mga credit at debit card, valid pa rin ba ang card, o nagbigay ba ng kapalit ang pinansyal na institusyon?

  • Para sa mga credit at debit card, puwede bang gamitin ang card para sa umuulit na billing?

  • Supported ba ng card o account ang mga e-commerce transaction?

  • Naproseso ba ang transaksyon bilang international na singilin? Supported ba ito ng account mo?

  • Na-decline ba ang transaksyon dulot ng mga dahilang may kaugnayan sa seguridad?

  • Nakikita ba ng pinansyal na institusyon mo ang transaksyon mula sa Netflix? Maipapaliwanag ba nila kung bakit ito na-decline?

Pagkatapos mong imbestigahan ang isyu sa pinansyal na institusyon mo, puwede mo ulit subukan ang pagbabayad mo sa Netflix.com. Kung hindi ka pa rin makapagbayad pagkatapos mong makausap ang pinansyal na institusyon mo, iminumungkahi namin na sumubok ng iba pang option sa pagbabayad.

Mga Kaugnay na Article