Paano ako gagawa ng Netflix account para sa ibang tao?

Puwede kang gumawa ng Netflix account para sa ibang tao sa pamamagitan ng website ng Netflix.

  1. Mag-sign out sa Netflix account mo

  2. Pumunta sa netflix.com/signup.

  3. Pumili ng plan. (Puwedeng magpalit ng plan kahit anong oras.)

  4. Maglagay ng email address at gumawa ng password para gumawa ng account.

  5. Maglagay ng paraan ng pagbabayad.

    • Puwede mong gamitin ang sarili mong impormasyon sa pagbabayad kung gusto mong magbayad para sa account ng recipient.

      Tandaan:
      Sisingilin ang paraan ng pagbabayad mo kada buwan hanggang sa ma-update ang paraan ng pagbabayad o ma-cancel ang account.
  6. Tapos na! Puwedeng magsimulang mag-stream ang taong iginawa mo ng account sa pamamagitan ng paggamit sa email at password para mag-sign in sa Netflix mula sa supported device.

Kapag nagawa mo na ang bagong account, mag-hover sa profile name niya sa kanang sulok sa itaas ng page at piliin ang Mag-sign out sa Netflix, pagkatapos ay mag-sign in sa account mo para bumalik sa account mo.

Mga Kaugnay na Article