Netflix Error ui-800-2

Nagka-error ang Netflix. Susubukan ulit sa loob ng [X] segundo.
Code: ui-800-2

Nangyayari ang error na ito kapag may problema sa data na naka-store sa device mo na pumipigil sa pag-play ng Netflix.

Para ayusin ang problema:

  1. I-off ang device mo. Kung may power cable ang device mo, bunutin ito sa saksakan.

  2. Siguraduhing naka-off nang tuluyan ang device mo, hindi lang naka-sleep o standby mode.

  3. Hayaang naka-off ang device mo nang 15 segundo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Posibleng burahin ng steps na ito ang mga app, data, o setting na naka-save sa device mo. Bago ka magpatuloy, siguraduhing ihanda ang pangalan at password ng Wi-Fi mo, at impormasyon sa pag-sign in sa Netflix.

Para maayos ang problemang ito, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa kumpanya na gumawa ng device mo.

Kapag kinausap mo sila, humingi ng tulong sa steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix para malaman kung naayos nito ang problema.

  1. I-update ang firmware o software ng device mo sa pinakabagong version.

  2. I-restore ang device mo sa orihinal na settings nito, tulad noong unang nakuha mo ito.

Kung hindi nito maayos ang problema o hindi gumana ang steps na ito, kakailanganin mong gumamit ng ibang device para makapanood ng Netflix.

Kung gumagamit ka ng Samsung TV o Blu-ray player:

May problema sa hardware o software ang device mo na Samsung lang ang makakalutas.

Makipag-ugnayan sa Samsung at hingin ang sumusunod:

  • Tulong sa pag-reset ng Smart Hub.

  • Tulong sa pag-upgrade sa pinakabagong firmware para sa device.

  • Tulong sa pag-factory reset.

Kung hindi makakatulong ang steps na ito, posibleng may ibang suggestion ang Samsung. O, subukang manood ng Netflix sa ibang device.

Mga Kaugnay na Article