Paano gamitin ang Netflix sa Philco TV mo

Gamitin ang article na ito para alamin pa ang tungkol sa mga feature ng Netflix sa Philco TV mo, at kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa section na “I-set Up ang Netflix.”

Available ang Netflix sa maraming Philco device.

Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:

Mga supported na rehiyon
Available ang Netflix sa buong mundo. Gagana ang karamihan sa mga device kahit saang lugar na available ang Netflix, pero gagana lang ang ilang lumang device sa bansa kung saan binili ang mga ito. Kung pinag-iisipan mong bumili ng bagong device, alamin sa manufacturer kung may support ito sa Netflix sa rehiyon mo.

Navigation
Sa karamihan ng mga device, makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (halimbawa, mga comedy, drama, TV show) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo. Baka walang row ng mga kategorya sa mga mas lumang device, pero puwede ka ritong mag-scroll sa List Ko, na magagawa mo gamit ang website ng Netflix.

Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa maximum na supported resolution ng mga ito.

Mga kontrol ng magulang
Puwede kang mag-set ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed captions, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Para tingnan kung gumagana ang 5.1 audio sa device mo, pumunta sa kahit anong Netflix original para makita kung may 5.1 audio option. Kung wala, hindi gumagana ang feature na ito sa device mo. Puwede mong baguhin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device Ipapakita ng mga device na walang support sa pag-customize ang subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito.

Para i-connect ang Philco TV mo sa Netflix account mo, siguraduhing nasa Home screen ka at sundin ang steps sa ibaba.

  1. Pindutin ang Netflix button sa remote mo, o:

    • Pindutin ang Menu button sa remote mo, pagkatapos ay piliin ang Smart TV, pagkatapos ay ang Netflix.

  2. Piliin ang Pag-sign in ng member.

  3. Ilagay ang email at password na nauugnay sa Netflix account mo.

  4. Piliin ang Magpatuloy.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para magsimula ulit o mag-sign in gamit ang ibang email address kahit kailan sa prosesong ito, gamitin ang arrow keys sa controller mo para i-enter ang sumusunod na sequence:

  • Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up

  • Piliin ang Sign Out, Start Over, o Deactivate.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at pilin ang Settings.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong, Mga Setting, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Mga Kaugnay na Article