Nawawala ang keyboard kapag sinusubukan kong mag-sign in o mag-sign up sa Netflix.

Kung nawawala o blangko ang keyboard sa sign in o sign up screen ng Netflix, karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa Internet connection mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

  1. Mag-exit sa kasalukuyan mong screen sa pamamagitan ng pagpindot sa back button sa remote o controller mo.

  2. Mag-quit sa Netflix app.

  3. I-relaunch ang Netflix.

  4. Subukang mag-sign up o mag-sign in ulit.

  5. Kung hindi pa rin naglo-load ang keyboard, ulitin ang steps sa itaas.

  6. Kung hindi naayos ang problema pagkatapos ulitin ang steps, magpatuloy sa ibaba.

  1. Bunutin sa saksakan ang device mo.

  2. Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.

  3. I-plug ulit ang device mo.

  4. I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.

Mag-sign out sa Netflix
  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung nasa error screen ang device mo:

  1. Pindutin ang More Details.

  2. Pindutin ang Sign out o Reset.

  3. Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.

Resetting modem and device, 30-sec timer, cable unplugged.

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

Tablet and modem show succesful Wi-Fi connection

Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article