Update sa experience at layout ng Netflix TV
May bagong hitsura ang Netflix sa TV at mga TV streaming device.
Ano'ng bago?
Bagong disenyo at navigation
Makikita mo ang mga shortcut sa mga TV show, pelikula, games, Netflix Ko, at mga profile mo sa menu sa itaas.
Tandaan: Beta experience ang Games on TV at posibleng hindi available, depende sa bansa mo at mga requirement sa hardware.
Bagong destinasyon ang Netflix Ko para sa lahat ng bagay na idinagdag mo sa List Ko, mga title sa Ituloy ang Panonood, mga show at pelikula na pinanood at nagustuhan mo, Mga Reminder, at higit pa.
Pindutin ang back button sa remote mo para mabilis na bumalik sa menu sa itaas ng homepage kahit kailan.
Mga bagong rekomendasyon
Kapag ginagamit mo ang Netflix, tumutulong ang aming system ng mga rekomendasyon na makahanap ka ng show, pelikula, o game para ma-enjoy agad.
Naglalabas kami ng mga improvement sa aming system ng mga rekomendasyon kasama ng bagong TV experience. Habang nagba-browse ka, ia-update namin ang mga rekomendasyon na nakikita mo batay sa mga ginagawa mo, tulad ng panonood ng mga trailer o pagdagdag ng "thumbs up" sa title.
Available ang bagong TV experience sa karamihan ng mga TV at TV streaming device.