Nag-aalok ang Netflix ng 4 na setting ng paggamit ng data.
Data na ginagamit bawat oras, bawat device:
Low: Basic na video quality, hanggang 0.3 GB
Medium: Standard na video quality, hanggang 0.7 GB
High: Pinakamagandang video quality:
Standard definition: hanggang 1 GB
High definition: hanggang 3 GB
Ultra high definition (4K): hanggang 7 GB
Auto: Awtomatikong nag-a-adjust para maibigay ang pinakamataas na posibleng quality, batay sa kasalukuyang bilis ng internet connection mo.
I-adjust ang settings mo ng paggamit ng data
Puwede kang magkaroon ng iba't ibang setting ng paggamit ng data para sa bawat profile sa account mo. Para baguhin ang settings mo:
Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.
Piliin ang Mga Profile, at pumili ng profile.
Piliin ang Settings ng playback.
Piliin ang gusto mong setting ng paggamit ng data.
Paalala:Posibleng maapektuhan ang video quality kung paghihigpitan ang paggamit ng data.
Piliin ang I-save.