Netflix Error ui-115

Kung nakikita mo ang error code na ui-115 na may ganitong message:

Hindi maka-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit o i-restart ang home network at streaming device mo. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa netflix.com/nethelp.

Karaniwang nangangahulugan ito na may may problema sa version mo ng Netflix app.

Para ayusin ang problema, sundin ang steps para sa device mo.

Kung nakikita mo ang error na ito habang gumagamit ng Android TV o Android-based na streaming device, siguraduhing i-download ang Netflix app sa Google Play Store.

Kung hindi mo makita ang Netflix app sa Google Play Store o may nakikitang message na hindi compatible ang device mo sa app, nangangahulugan ito na hindi supported ang device mo. Para makapanood ng Netflix, kakailanganin mong gumamit ng ibang supported device.

Tingnan ang status ng Play Protect ng device mo
  1. Buksan ang Play Store app.

  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Profile icon mo.

  3. I-tap ang Settings > About.

  4. Sa ilalim ng Play Protect certification, tingnan ang status ng certification ng device mo.

Kung nakita mo ang Certified ang device, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Kung hindi certified ang device mo, kakailanganin mong gumamit ng supported device para makapanood ng Netflix. Inirerekomenda naming makipag-ugnayan ka sa manufacturer ng device mo para magtanong ng device na certified ng Play Protect. Para alamin pa, pumunta sa support page tungkol sa certification ng Play Protect ng Google.

Mga Kaugnay na Article