Sabi ng Netflix, 'Error sa network: Nagkaproblema sa pag-connect sa Netflix.'

Kung may nakikita kang error sa iPhone, iPad, o iPod touch mo na nagsasabing

Error sa network: Nagkaproblema sa pag-connect sa Netflix. Pakisubukan ulit mamaya.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa network connection mo. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Tingnan kung kayang mag-Netflix sa network mo

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


Isara at buksan ulit ang app

  1. Buksan ang App Switcher sa pamamagitan ng pagpindot nang dalawang beses sa Home button. Kung walang home button ang device mo, mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen at pindutin ito nang matagal.

  2. I-swipe pataas ang app para i-quit ito.

  3. Buksan ang app, pagkatapos ay subukan ulit.

Paalala:
Posibleng iba ang steps na ito sa device mo. Pumunta sa support site ng Apple para sa steps para mag-quit at magbukas ulit ng app sa iPhone o iPad.

Pumunta sa Netflix.com sa isang web browser

  1. Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.

  2. Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.

  3. Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.

  4. Mag-sign in sa Netflix account mo.

    • Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.

    • Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.

I-restart ang home network mo

  1. I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.

  2. Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.

  3. Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.

  4. Subukan ulit ang Netflix.

Tandaan:
Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.

I-restart ang iPhone o iPad mo

  1. Pindutin nang matagal ang button sa gilid at ang isa sa mga volume button nang sabay hanggang sa makita ang mga slider. I-drag ang pinakaitaas na slider para i-off nang tuluyan ang device mo.

    • Kung walang nakikitang slider, pindutin nang matagal ang Sleep/Wake button hanggang sa makita ang pulang slider, pagkatapos ay i-drag ang slider.

  2. Pagkatapos ng 10 segundo, pindutin ang Sleep/Wake button.

  3. Kapag nag-power on ang device mo, subukan ulit ang Netflix.

I-reset ang network settings mo

Posibleng may isyu sa network settings ng device mo o sa modem o router mo.

Subukan ang steps na ito. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

Paalala:
Para sa tulong sa paggawa ng steps na ito, baka kailangan mong makipag-ugnayan sa kumpanyang gumawa ng device mo, internet service provider (ISP) mo, o VPN provider mo.
  1. Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

  2. I-reset ang network settings sa device na nagkakaproblema.

  3. I-restore ang modem o router mo sa default settings nito

Makipag-ugnayan sa internet service provider mo

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article