Netflix Error tvq-st-107
Kung nakikita mo ang error code na tvq-st-107, na madalas na may ganitong message:
Nagka-error ang Netflix
Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may isyu sa pag-connect sa network na pumipigil sa device mo na maka-connect sa serbisyo ng Netflix. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot para sa device mo sa ibaba para ayusin ang problema.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Kung mali ang petsa at oras na ipinapakita sa device mo:
Pumunta sa setting ng petsa at oras sa device mo.
Paalala:Para sa tulong sa paghahanap sa setting ng petsa at oras sa device mo, tingnan ang owner's manual o makipag-ugnayan sa manufacturer.
Kung may option na Automatic ang device mo, i-on ito o i-update ang setting sa kasalukuyang petsa at oras.
Kung tama ang petsa at oras sa device mo, magpatuloy sa susunod na steps.
Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.
Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung nasa error screen ang device mo:
Pindutin ang More Details.
Pindutin ang Sign out o Reset.

Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:
Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.
Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.
Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.
Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.
Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.
Mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.
Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.
Mga public network:
Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.
Mga private network:
Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.
Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.
Subukang gumamit ng ibang app na kumo-connect sa internet para i-test ang connection ng device mo. May available na network test sa mga setting sa ilang device.
Kung hindi gagana ang ibang app o may matatanggap kang error sa network, karaniwan itong nangangahulugan na hindi naka-connect ang device mo.
Paalala:Dahil madalas na magkakaiba ang steps para kumonnect sa internet o mag-troubleshoot ng isyu sa network depende sa device, hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pagsunod sa steps para sa device mo.
Para makuha ang steps sa pag-connect para sa device mo:
Tingnan ang instructions o manual na kasama ng device mo.
Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device para sa tulong sa pag-connect ng device mo sa internet.
Kung naka-connect ang device mo at nakakaranas ka pa rin ng mga isyu, pumunta sa susunod na steps.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Sa home screen, piliin ang Settings.
Piliin ang Network Settings > Internet Connection Settings > OK.
Piliin ang Custom.
Piliin ang uri ng connection na ginagamit mo:
Para sa Wireless, piliin ang mga option na ito:
Sa seksyong WLAN, piliin ang Enter Manually.
Piliin ang IP Address Setting.
Para sa Wired Connection, piliin ang Auto-Detect para sa Operation mode.
Sa pagpunta mo sa susunod na settings, piliin ang mga option na ito:
IP Address Setting > Automatic
DHCP Host > Do Not Set
DNS Setting > Automatic
Proxy Server > Do Not Use
MTU > Automatic
UPnP > Enable
Para i-save ang mga setting mo, pindutin ang X button.
Piliin ang Test Connection.
Subukan ulit ang Netflix.
I-off o bunutin sa saksakan ang video game console mo.
Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.
Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.
I-on ulit ang game console mo at subukan ulit ang Netflix.
Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:
Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.
Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.
Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.
Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.
Magagawa ng ISP mo na:
Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.
Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.
I-restart o i-reset ang connection ng network mo.
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:
Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.
Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.
Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:
Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.
Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.
Mga public network:
Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.
Mga private network:
Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.
Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Magsimula sa Home screen ng PS4.
Kung wala ka pa sa main menu, pindutin nang matagal ang PS button sa gitna ng controller, piliin ang Close Application, pagkatapos ay piliin ang OK para bumalik sa home screen.
Pindutin ang Up sa D-pad.
Piliin ang Settings.
Piliin ang Network.
Piliin ang Test Internet Connection.
I-off o bunutin sa saksakan ang video game console mo.
Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.
Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.
I-on ulit ang game console mo at subukan ulit ang Netflix.
Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.
Magagawa ng ISP mo na:
Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.
Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.
I-restart o i-reset ang connection ng network mo.
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:
Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.
Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.
Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:
Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.
Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.
Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.
Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.
Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.
Mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.
Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Bunutin sa saksakan ang modem at router mo.
Maghintay nang 30 segundo.
Isaksak ang modem mo.
Maghintay nang 1 minuto.
Isaksak ang router mo.
Maghintay nang 1 minuto.
Isaksak ang device mo.
Subukan ulit ang Netflix.
Posibleng mas matagal kumonnect ulit ang ilang modem at router.
Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.
Magagawa ng ISP mo na:
Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.
Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.
I-restart o i-reset ang connection ng network mo.
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:
Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.
Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.
Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:
Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.
Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.
Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.
Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.
Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.
Mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.
Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.
I-off ang device mo, pagkatapos ay bunutin sa saksakan ang modem at router mo.
Pagkalipas ng 30 segundo, isaksak ang modem at router mo.
Maghintay nang 1 minuto, pagkatapos ay i-on ang device mo.
Subukan ulit ang Netflix.
Tandaan:Baka mas matagal mag-reconnect sa Internet ang ilang device, modem, at router.
Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.
Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.
Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.
Mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.
Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Kung mali ang petsa at oras na ipinapakita sa device mo:
Pumunta sa setting ng petsa at oras sa device mo.
Paalala:Para sa tulong sa paghahanap sa setting ng petsa at oras sa device mo, tingnan ang owner's manual o makipag-ugnayan sa manufacturer.
Kung may option na Automatic ang device mo, i-on ito o i-update ang setting sa kasalukuyang petsa at oras.
Kung tama ang petsa at oras sa device mo, magpatuloy sa susunod na steps.
Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.
Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong > Mag-sign out > Oo.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung nasa error screen ang device mo:
Pindutin ang More Details.
Pindutin ang Sign out o Reset.
Mag-sign in ulit, pagkatapos ay subukan ulit ang Netflix.
Kung hindi mo mahanap ang Humingi ng Tulong o Mag-sign out:
Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.
Sa lalabas na menu, pindutin ang Mag-sign out, I-reset, o I-deactivate.
Mga public network:
Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.
Mga private network:
Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.
Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.
Pindutin ang Xbox button sa Xbox controller mo para buksan ang Guide.
Sa Profile & system menu, piliin ang Settings.
Piliin ang General > Network settings > Test network connection.
Kung hindi naisagawa ang test, pumunta sa Xbox network support page para sa tulong sa makikitang error message.
Kung makikita sa test na naka-connect ang device mo, magpatuloy sa ibaba.
Pindutin ang Xbox button para buksan ang Guide.
Sa Profile & system menu, piliin ang Settings.
Piliin ang General > Network Settings > Advanced Settings > DNS Settings.
Piliin ang Automatic.
Subukan ulit ang Netflix.
I-off o bunutin sa saksakan ang video game console mo.
Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.
Isaksak ang modem mo at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at maghintay hanggang sa wala nang bagong indicator light na nagbi-blink.
I-on ulit ang game console mo at subukan ulit ang Netflix.
Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.
Magagawa ng ISP mo na:
Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.
Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.
I-restart o i-reset ang connection ng network mo.
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:
Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.
Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.
Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:
Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.
Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.