Sabi ng Netflix, 'Dapat may 6 hanggang 60 characters ang password mo.'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Dapat may 6 hanggang 60 characters ang password mo at wala dapat itong tilde (~).

Kadalasang ang ibig sabihin nito ay hindi natutugunan ng password mo ang criteria sa password ng Netflix. Kung natutugunan ng password mo ang criteria pero nagkakaroon ka pa rin ng ganitong problema, sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba.

Kung gumagamit ka ng security software
Para sa mga advanced na user ng computer ang steps na ito.
  • Mag-install ng kahit anong update para sa security software mo.

  • Pansamantalang i-off ang security software mo at subukan ulit ang Netflix.

    • Kung maaayos ang problema kapag naka-disable ang security software mo, posibleng luma na o hindi sinasadyang nagiging hadlang sa Netflix ang software. I-activate ulit ito, pagkatapos ay makipag-ugnayan sa manufacturer ng software para sa tulong.

Mga Kaugnay na Article