Paano hanapin ang billing date mo

Hanapin ang billing date mo

Mag-sign in sa account mo at pumunta sa page na history ng pagbabayad para makita ang membership plan at billing history mo. Itatapat ang billing date mo sa araw kung kailan ka nag-sign up para sa Netflix account mo.

  • Posibleng mauna nang isang araw ang billing date mo dahil sa pagkakaiba ng time zone.

  • Kung wala sa lahat ng buwan ang araw ng billing date mo (halimbawa, sa ika-31), sisingilin ka na lang sa huling araw ng buwang iyon.

  • Kung binabayaran mo ang Netflix sa isang third party, posibleng iba ang billing date mo sa Netflix kaysa sa billing date ng provider mo.

Palitan ang billing date mo

Para palitan ang billing date mo, kailangan mong i-cancel ang account mo at i-restart ito sa petsa kung kailan mo gustong masingil.

  • Kung magka-cancel ka sa loob ng kasalukuyang billing period mo, maitutuloy mo pa rin ang panonood ng Netflix hanggang matapos ang billing period mo. Pagkatapos, puwede mong i-restart ang account mo sa petsa kung kailan mo gustong masingil.

  • Kung on hold ang account mo, agad na maka-cancel ang account mo at puwede mo itong i-restart kahit kailan.

Mga Kaugnay na Article