Sabi ng Netflix, 'Tiyaking naka-connect sa network ang device mo at tama ang settings ng Petsa at Oras nito. (-121)'

Kung nakikita mo ang error code na nasa ibaba sa Android device (phone, tablet, o TV/box) mo, ibig sabihin, may isyu sa ilang data na naka-store sa device mo o may problema sa network.

Tiyaking naka-connect sa network ang device mo at tama ang settings ng Petsa at Oras nito. (-121)

Para ayusin ang problema:

Tablet with power icon indicating turn off process

  1. I-off ang phone o tablet mo. Siguraduhing naka-off ito at hindi lang naka-lock.

  2. I-on ito ulit.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang Netflix page sa Play Store, tapos, i-tap ang I-update.

Puwede mo ring i-update ang Netflix app gamit ang steps na ito:

  1. Buksan ang Play Store app. Kung wala ka nito, baka kailangan mong mag-ayos ng isyu sa Play Store.

  2. Sa Search bar, i-type ang "Netflix."

  3. I-tap ang Netflix app sa list. Kung hindi mo makita ang Netflix app, sa halip aysundin ang steps sa article na ito.

  4. I-tap ang I-update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app.

Mga public network:

Para sa Wi-Fi sa mga lugar tulad ng café, hotel, o eskwelahan, itanong kung naka-block ang video services tulad ng Netflix.

Mga private network:

Tingnan kung mas mabagal ang connection mo kaysa sa aming mga inirerekomendang bilis at makipag-ugnayan sa internet service provider mo kung kailangan mo ng tulong.

Baka masyadong mabagal ang mga connection tulad ng mga mobile hotspot, cellular, o satellite network para makapag-Netflix.


Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Tablet and modem show succesful Wi-Fi connection

Para makakuha ng mas magandang signal, puwede mong:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article