Sabi ng Netflix, 'Hindi Na-download'

Hindi Na-download
Nagkaproblema sa download na ito.

Ibig sabihin ng mensaheng ito sa iPhone o iPad mo na may problema sa TV show o pelikula na pumigil sa pag-download. Kung hindi nagtagumpay ang download dahil sa error, posibleng magbago ang steps para ayusin ito depende sa nangyaring error.

Para ayusin ang problema:

Tingnan kung may error code

Para hanapin ang error:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko , at i-tap ang Mga Download .

  2. Sa tabi ng download na may problema, i-tap ang Alert icon icon ng error sa pag-download.

I-update ang Netflix app

  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

Kung wala kang mahanap na article na nagma-match sa error o hindi maayos ng steps ang problema, makipag-ugnayan sa amin para sa higit pang tulong.

Mga Kaugnay na Article