Sabi ng Netflix, 'Hindi masimulan ang Netflix app. (15003)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Hindi masimulan ang Netflix app. Subukang simulan ulit ito. (15003)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangan ng Netflix app ng update. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang isyu.

I-update ang Netflix app

Kung Android phone o tablet mo ang ginagamit mo, buksan ang Netflix page sa Play Store, tapos, i-tap ang I-update.

Puwede mo ring i-update ang Netflix app gamit ang steps na ito:

  1. Buksan ang Play Store app. Kung wala ka nito, baka kailangan mong mag-ayos ng isyu sa Play Store.

  2. Sa Search bar, i-type ang "Netflix."

  3. I-tap ang Netflix app sa list. Kung hindi mo makita ang Netflix app, sa halip aysundin ang steps sa article na ito.

  4. I-tap ang I-update. Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app.

Kung hindi naayos ng steps na ito ang isyu, baka hindi compatible ang version ng Netflix app ngayon sa version ng Android mo. Sundin ang steps na ito para ayusin ang isyu.

Mga Kaugnay na Article