Paano mag-ayos ng na-decline o hindi gumanang pagbabayad

Kung may problema sa paraan mo ng pagbabayad, nandito ang ilan sa mga karaniwang sanhi at suggestion para ayusin ang isyu.

Ayusin ang na-decline pagbabayad

Kung na-decline ng bangko o financial institution ang singil:

  1. Pumunta sa page na I-manage ang info sa pagbabayad (baka kailangan mong mag-sign in).

  2. I-check ang mga field na ito sa iyong card o bank record: expiration date, security code, at billing postal code.

    1. Iwasto ang mga field na hindi nagtutugma, at i-save ang paraan ng pagbabayad.

    2. Kung tama na ang lahat, pumunta sa susunod na step.

  3. Subukan ang singil.

Kung nabigo pa rin ang pagbabayad

  • Siguruhing tumatanggap ng mga e-commerce na transaksyon ang paraan mo ng pagbabayad. Baka kailangan mo itong i-check sa bangko mo.

  • I-check ang mga option sa pagbabayad ng Netflix sa tinitirhan mo. Kung hindi gumagana ang tinatanggap naming paraan ng pagbabayad, makipag-ugnayan sa amin para magpatulong.

  • Gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad.


Pagbabayad sa pamamagitan ng isang partner

Ayusin ang na-decline pagbabayad

Kung nagbabayad ka sa Netflix o may Netflix ka bilang bahagi ng package sa isang partner company (hal. sa phone o internet provider mo), kailangan mong mag-sign in sa partner account mo para ayusin ang na-decline na pagbabayad. Kung nabigo pa rin ang pagbabayad, makipag-ugnayan sa provider mo.

Di-inaasahang na-cancel ang Netflix account

Third party

Third-party: Mag-sign in sa third-party account mo para ayusin ang na-decline na pagbabayad, at sumali ulit sa Netflix.

Kung hindi ka makasali ulit sa tulong ng isang third party, puwede kang sumali ulit sa Netflix.com gamit ang ibang paraan ng pagbabayad.

Package na may Netflix

  • Mag-sign in sa package account mo para ayusin ang na-decline na pagbabayad, at i-link ulit ang Netflix account mo.

  • Kung nag-pause ka ng package mo at active pa rin ito, i-link ulit ang Netflix account mo.

  • Kung na-cancel mo ang package mo, mag-sign in sa Netflix account mo at mag-add ng bagong paraan ng pagbabayad.


Mga Kaugnay na Article