Kung direkteng naka-connect sa TV mo ang device mo, tingnan ang audio options mo sa Netflix app. Kung surround sound (5.1) ang napili, subukan itong gawing Stereo na lang. Kung hindi ka sigurado kung paano babaguhin ang audio settings ng Netflix app mo, pumunta sa aming article tungkol sa alternate audio.
Kung maaayos ang problema mo sa audio kapag inilipat mo ito sa stereo , baka hindi compatible sa surround sound ang equipment mo. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa tulong kung sa tingin mo ay compatible dapat sa 5.1 audio ang equipment mo.
Paalala:Kung kailangan mong gawing stereo ang setting mo sa audio sa tuwing nagpe-play ka ng pelikula o TV show, baka may setting sa device mo na dahilan para mag-default ito sa 5.1 audio. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo para sa tulong sa pag-adjust sa setting na ito para mag-default ito sa stereo audio.