Hindi lumalabas ang mga Top 10 list

Ang Mga Top 10 TV Show a Mga Top 10 na Pelikula ay mga listahan na makikita sa home screen ng Netflix, at araw-araw ina-update para ipakita ang mga pinakasikat na title sa Netflix. Kung available sa rehiyon mo, automatic na makikita ang mga Top 10 list sa device mo nang may mga pinakapinapanood na palabas sa bansa mo. Available din ang mga Top 10 list sa top10.netflix.com at ina-update kada linggo.

Kung hindi mo nakikita ang mga Top 10 list sa device mo, sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

Hindi available ang mga Top 10 list para sa Netflix app para sa Apple TV o mga Windows computer.

Maaaring hindi makita ang mga Top 10 list kung gumagamit ka ng VPN na nagbabago sa bansa o lokasyon ng internet mo. Alamin pa ang tungkol sa paggamit ng VPN sa Netflix.

Tandaan: May kasamang VPN ang ilang antivirus software na posibleng naka-on. Para alamin pa o makakuha ng tulong, makipag-ugnayan sa provider ng antivirus software mo.

Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito.

Kung hindi ka sigurado kung may naka-on na VPN, sundin ang steps sa ibaba.

  1. Magbukas ng web browser sa device na nasa network din ng device na may isyu.

  2. Pumunta sa fast.com. Magsisimula ang Netflix ng connection test.

  3. Kapag natapos na ang test, i-click ang Show more info.

  4. Sa tabi ng Client, tandaan ang bansa.

  5. Kung hindi nag-match ang bansa sa lokasyon mo, may naka-on na VPN sa device o network mo. Subukang i-off ito, at subukan ulit ang Netflix.

Ilang bagay na dapat tandaan

  • Hindi makakatulong ang Customer Service ng Netflix sa pag-off ng VPN dahil magkakaiba ang steps para sa bawat VPN o serbisyo. Kung kailangan mo ng tulong makipag-ugnayan sa VPN provider mo.

  • Kung hindi nalutas ang isyu sa pag-off ng VPN mo, o tumutugma ang lokasyon mo sa fast.com, pumunta sa susunod na steps sa ibaba.

Maaaring hindi makita ang mga Top 10 list kung may maturity rating ang isang TV show o pelikula sa listahan na hindi pinapayagan o pinaghihigpitan ng mga setting ng Netflix profile mo.

Puwede mong palitan ang pinapayagang maturity rating at iba pang kontrol ng magulang sa seksyong settings ng profile ng account mo. Para alamin pa, pumunta sa Mga kontrol ng magulang sa Netflix.

Maaaring hindi makita ang mga Top 10 list kung hindi pinakabago ang version ng Netflix app sa device mo.

Para i-update ang app, sundin ang steps para sa device mo.

Nag-iiba para sa bawat brand o model ng TV o streaming device ang steps para i-update ang mga app o software. Automatic na nakakatanggap ng mga update ng app ang karamihan ng device, pero karaniwang puwede mong i-update ang mga app o software mula sa Settings o System menu.

Para makuha ang steps para i-update ang mga app sa TV o streaming device mo, tingnan ang manual na kasama nito o makipag-ugnayan sa kompanyang gumawa ng device mo.

Tumingin ng mga update sa firmware
  1. Pindutin ang Home button sa remote ng Amazon Fire TV mo.

  2. Sa kanang bahagi ng screen, piliin ang Settings .

  3. Piliin ang My Fire TV.

  4. Piliin ang About.

  5. Piliin ang Check for Updates .

  6. Subukan ulit ang Netflix.

    Tandaan: Baka kailanganin mong i-install ang ilang update para makuha ang pinakabagong firmware version.

I-update ang Netflix app
  1. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang Netflix page sa Play Store.

  2. I-tap ang I-update.

Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang option na ito, up to date na ang app mo.

Pag-troubleshoot

I-update ang Netflix app
  1. Pumunta sa home screeen, at i-tap ang App Store.

  2. I-tap ang Search, at ilagay ang "Netflix".

  3. Sa listahan, hanapin at i-tap ang Netflix, at i-tap Update. Baka kailanganin mong ilagay ang password ng Apple ID mo. Kung nakalimutan mo ito, sundin ang steps ng Apple para i-reset ito.

  4. Kapag tapos na ang update, subukan ulit ang Netflix.

I-update ang Netflix app
  1. Pumunta sa home screen, at i-tap ang Appstore.

  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu, at i-tap ang Mga Update sa App .

  3. Sa list, hanapin ang Netflix app at i-tap ang Update. Kung wala sa list ang Netflix app, up to date na ito.

  4. Kapag natapos na ang pag-update, i-tap ang Open at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article