Shatter Remastered - Game Support
Tungkol sa laro
Mga Platform: Mga Android phone at tablet at iPhone, iPad, at iPod touch
Game category: Puzzle / Arcade
Bilang ng players: Single player
Offline play: Mayroon
Cloud saves: Mayroon
Content rating: Tingnan ang game sa Google Play Store o sa App Store
Mga Wika: Arabic, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional), Croatian, Czech, Danish, Dutch, English, Finnish, French, German, Greek, Hebrew, Hindi, Hungarian, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Malay, Norwegian, Polish, Portuguese (Brazil), Portuguese, Romanian, Russian, Spanish (Castilian), Spanish (Latin America), Swedish, Thai, Turkish, Ukrainian, Vietnamese
Developer: PikPok
Paano mag-download
Mga Requirement
Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:
Compatible na device:
Android phone o tablet na gumagamit ng Android 8.0 o mas bago
iPhone, iPad, o iPod touch na gumagamit ng iOS/iPadOS 15 o mas bago
Active subscription sa Netflix
Internet connection para i-download at i-install ang game
Sapat na storage space sa device mo
Pag-install
Mga Android phone at tablet
Mula sa Netflix app
Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at tab na Mga Game sa ibaba.
Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.
Paalala:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game o ang tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.
I-tap ang Install.
Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.
Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!
Mula sa Play Store
Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.
Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.
Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.
Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.
Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo
Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!
Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.
iPhone, iPad, at iPod touch
Mula sa Netflix app
May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.
Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.
Tandaan:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game row? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.
I-tap ang Get o ang Cloud icon sa banner ng App Store.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.
Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!
Mula sa App Store
Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.
Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.
Piliin ang game sa mga resulta ng search, at piliin ang Get o ang Cloud icon.
Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.
Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.
Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.
Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!
Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.
Mga tanong sa gameplay
Na-stuck ka ba sa kahit saan sa laro? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa settings sa laro? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.
Paano mag-connect ng controller para makapaglaro
Mag-connect ng wireless controller sa pamamagitan ng Bluetooth para ma-control ang character mo. Offically supported ang Xbox at PlayStation controllers, at puwede ring gumana ang iba.
Pag-troubleshoot/Mga Problema
Nagkakaproblema ka ba sa game? Heto ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.
Nagka-crash, nagfi-freeze, o hindi na nagre-respond ang game
Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
I-restart ang device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Problema sa performance o visuals ng game
Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Mga problema sa sound o volume ng game
Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:
Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.
Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.
Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.
Kung choppy o putol-putol ang sound:
Isara ang game at kahit ano pang app na gumagana sa device mo, at saka mo subukan ulit.
Tingnan kung may available na game updates at i-install ang mga ito, at saka mo subukan ulit.
Error message o code sa game
Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.
Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.
Nawala ang game progress o may mga nawawalang item sa game
Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game, makipag-ugnayan sa amin.
Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.
Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.