Farming Simulator 23 - Game Support

Magpatakbo ng rustic virtual farm. Magtanim, mag-alaga ng hayop, at pangasiwaan ang produksyon hanggang sa umunlad ang agricultural empire mo sa nakaka-relax na larong ito.

Mga Platform: Android phone at tablet, iPhone, iPad, o iPod touch

Game category: Simulation

Bilang ng player: Single player

Offline play: Mayroon

Cloud saves: Wala

Hindi gumagamit ang game na ito ng mga pag-save sa cloud. Kung ia-uninstall mo ang game o maglalaro ka sa ibang device, magsisimula ka sa umpisa.

Content rating: Tingnan ang page sa app store ng game

Mga Wika: Chinese (Simplified), Chinese (Traditional), Czech, Danish, Dutch, English (US), Finnish, French, French (Canada), German, Hungarian, Italian, Japanese, Korean, Norwegian, Polish, Portuguese (Brazil), Portuguese (Portugal), Romanian, Russian, Spanish (Castilian), Spanish (Latin America), Swedish, Turkish

Developer: Giants Software

Mga Requirement

Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Compatible na device:

    • Android phone o tablet na gumagamit ng Android 8.0 o mas bago

    • iPhone na may iOS 15 o mas bago

    • iPad na may iPadOS 15 o mas bago

  • Active na Netflix subscription

  • Internet connection para i-download at i-install ang game

  • Sapat na storage space sa device mo


Pag-install

Mula sa Netflix app

Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at Mga Game sa ibaba.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.

    Tandaan:Hindi nakikita ang row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.

  3. I-tap ang I-install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa Play Store

Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.

  1. Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  4. Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.

    Note:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano mag-update ng Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa mga resulta ng search, at i-tap ang Get o ang Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Hindi ka ba makausad sa game? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa in-game settings? Tingnan ang Farming Simulator's Academy.

Nagkakaproblema ka ba sa game? Ito ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.

Hindi gumagamit ang game na ito ng mga pag-save sa cloud. Kung ia-uninstall mo ang game o maglalaro ka sa ibang device, magsisimula ka sa umpisa.

Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:

Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:

Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:

  • Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.

  • Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.

  • Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.

Kung choppy o putol-putol ang sound:

Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.

Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.

Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game:

  • Kung inuninstall mo ang game o ni-reset mo ang game data, naalis ang game data at hindi na ito mare-recover.

  • Kung hindi mo inuninstall ang game o hindi mo ni-reset ang game data at nagkakaroon ka pa rin ng ganitong problema, makipag-ugnayan sa amin.

Kung may iba kang problema sa game, puwede kang makipag-ugnayan sa Giants Software sa pamamagitan ng kanilang Help & Support site.

Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin.

Mga Kaugnay na Article