Paano palitan ang email address mo sa Netflix

Para palitan ang email address na ginagamit mo para mag-sign in sa Netflix, pumunta sa page na Palitan ang Email. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.

  • Kung active ang isang Pambatang profile, lumipat muna sa ibang profile at subukan ulit.

  • Posibleng kailanganin mong i-confirm ang identity mo bago gumawa ng pagbabago.

  • Dapat may 4 hanggang 50 characters ang email address.

  • Hindi ka puwedeng lumipat sa email address na ginagamit na ng ibang account.

Kung hindi ka makapag-sign in gamit ang kasalukuyan mong password, padalhan ang sarili mo ng password reset email.


Kung nakalimutan mo ang email address na ginagamit mo para sa account mo, pumunta sa aming page na I-update ang password, email o phone, i-tap o i-click ang Hindi ko natatandaan ang email o phone ko, at sundin ang steps.

Mga Kaugnay na Article