Netflix Error tvq-prfls-102
Na-sign out ang account mo. Mag-sign in ulit.
Ang ibig sabihin ng error na ito ay hindi na naka-sign in sa Netflix account mo ang device na ito. Puwede itong mangyari kapag nag-sign out ka sa lahat ng device (halimbawa, kapag ni-reset mo ang password mo).
Para patuloy na makapanood, kakailanganin mo ulit mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung patuloy mong nakikita ang error, sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.
Ginagamit ang steps na ito sa mga smart TV, streaming media player, at game console.
Step 1: I-restart ang device mo
Bunutin sa saksakan ang device mo.
Pindutin nang isang beses ang power button sa device at maghintay nang 1 minuto, o kaya ay hayaan itong nakabunot sa saksakan nang 3 minuto.
I-plug ulit ang device mo.
I-on ang device mo at subukan ulit ang Netflix.
Step 2: Pumunta sa Netflix.com sa web browser
Gamit ang computer, phone, o tablet, kumonnect sa network o Wi-Fi kung saan naka-connect ang device na may problema.
Magbukas ng web browser at pumunta sa netflix.com/clearcookies.
Mula sa kanang sulok sa itaas, i-click ang Sign In.
Mag-sign in sa Netflix account mo.
Kung makakakuha ka ng error na NSEZ-403, nangangahulugan ito na hindi namin ma-connect ang account mo sa Netflix sa ngayon. Subukan ulit mamaya.
Kung hindi ka makakakuha ng error, magpatuloy sa susunod na step.
Step 3: Tingnan ang kahit anong bagong email mula sa Netflix
Kung may natanggap kang bagong email mula sa Netflix na nagsasabing ni-reset namin ang password mo, sundin ang steps na ito para ma-access mo ulit ang account mo.
Kung walang kang natanggap na bagong email mula sa Netflix, ituloy ang pag-troubleshoot sa ibaba.
Step 4: Ano ang susunod na gagawin
Hindi pa rin maka-sign in? Tingnan ang Ayusin ang mga isyu gamit ang mga sign-in o sign-up code, link, o one-time password o kung Paano mag-sign in sa Netflix.
Inaasikaso na namin ang problemang ito. Para tulungan kaming magsiyasat, makipag-ugnayan sa amin.