Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.
Magagawa ng ISP mo na:
- Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo. 
- Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network. 
- I-restart o i-reset ang connection ng network mo. 
Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:
- Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network. 
- Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable. 
Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:
- Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix. 
- Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.