Netflix Error U7361-1254-C0000142

Kung nakikita mo ang error code na U7361-1254-C0000142 sa Windows 10 computer o tablet mo, na madalas na may ganitong message:

Naku, nagkaproblema...
Nagkakaproblema kami sa pag-play ng title na ito sa ngayon. Pakisubukan ulit mamaya o pumili ng ibang title.

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may impormasyong naka-store sa device mo na kailangang i-refresh. Sundin ang steps para sa pag-troubleshoot sa ibaba para ayusin ang problema.

Mag-sign out sa Netflix
  1. Habang nasa Netflix app, piliin ang Iba Pang Option iba pang option sa kanang bahagi sa itaas.

  2. Piliin ang Mag-sign Out.

  3. Mag-sign in ulit at subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article