Ano ang General Data Protection Regulation?

Ang General Data Protection Regulation (GDPR) ay isang batas sa European Union na namamahala sa kung paano puwedeng gamitin ng mga kumpanya ang personal information, mula noong May 25, 2018. Kung nakatira ka sa European Economic Area (EEA), nagbibigay sa iyo ang GDPR ng mga partikular na karapatan kaugnay ng personal information mo.

  • Karapatang i-access ang personal information mo. Marami sa impormasyong sino-store namin tungkol sa mga member namin ay maa-access agad kung magla-log in ka sa account mo sa isang browser at magki-click ka sa option na Account. Puwede mong alamin pa kung paano mag-access ng impormasyon.

  • Karapatang i-update (“tama”) ang personal information mo. Gaya ng binanggit sa itaas, marami sa impormasyong sino-store namin tungkol sa mga member namin ay maa-access agad kung magla-log in ka sa account mo sa isang browser at magki-click ka sa option na Account. Puwede mong alamin pa kung paano mag-update ng impormasyon.

  • May mga partikular na sitwasyon kung saan may karapatan kang ipa-delete (“ipabura”) o ipaalis sa system ng Netflix ang personal information mo. May makikita kang karagdagang impormasyon kung paano mag-delete at mag-alis ng impormasyon.

  • May mga partikular na sitwasyon kung saan may karapatan kang tutulan, ipatigil, o “limitahan” ang pagproseso sa personal information mo. Kasama rito ang pagbawi sa pahintulot mo, na nagsisilbing batayan ng pagproseso namin sa personal information mo. Puwede mong alamin ang iba pang impormasyon kung paano ito gagawin.

  • May karapatan kang mag-request ng kopya ng personal information mo. Puwede mong alamin pa ang tungkol sa prosesong iyon.

  • May karapatan kang magreklamo sa awtoridad sa pagprotekta ng data tungkol sa pangongolekta at paggamit namin ng personal information mo.

Para mag-request, o kung mayroon ka pang kahit anong tanong tungkol sa aming mga kasanayan sa privacy, makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer/Privacy Office sa privacy@netflix.com. Sumasagot kami sa lahat ng request na natatanggap namin mula sa mga indibidwal na gustong gamitin ang kanilang mga karapatan sa proteksyon ng data alinsunod sa mga naaangkop na batas sa proteksyon ng data.

Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.

Mga Kaugnay na Article