Paano gamitin ang Netflix sa Google TV Streamer mo

Alamin kung paano mag-sign up at gamitin ang Netflix sa Google TV Streamer (4K).

Paraa i-set up ang Netflix sa Google TV Streamer mo, sundin ang mga hakbang na ito.

Mabubuksan mo ang Netflix app sa ilang iba't ibang paraan:

  • Pindutin ang Netflix button sa Google TV Streamer remote mo.

  • Pindutin at i-hold ang Google Assistant button at sabihin ang "Open Netflix."

  • Simula sa home screen, mag-scroll pababa sa Mga app mo, at piliin ang Netflix mula sa list ng mga app.

  • Buksan ang Netflix sa phone o tablet mo at mag-sign in. Pagkatapos, pindutin ang Cast button at piliin ang device mo sa list.

Kapag bukas na ang Netflix, pindutin ang Mag-sign in at sundin ang steps na nasa screen.

Kung hindi ka pa Netflix member, piliin ang Magsimula at sundin ang steps o alamin pa ang tungkol sa pagsisimula sa Netflix.

Mga voice control

Puwede mong gamitin ang Voice Remote na kasama ng Google TV Streamer para makipag-interact sa Netflix. I-hold down lang ang Google Assistant button at magsalita, halimbawa, "play Stranger Things."

Navigation
Sa karamihan ng mga device, makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (gaya ng mga comedy, drama, o TV show) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.

Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa pinakamataas na supported resolution.

Mga kontrol ng magulang
Puwede kang mag-set ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed caption, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Puwede mong piliin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Ang ilang device ay nagpapakita ng mga subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito, o hindi naka-set up para magpakita ng mga subtitle.

Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa Google TV Streamer. Para makapanood sa Ultra HD quality, kakailanganin mo ng:

  • Netflix plan na may support para sa pag-stream sa 4K Ultra HD.

  • 2014 o mas bagong 4K Ultra HD TV na makakapag-stream ng 4K Ultra HD content sa 60 Hz, naka-connect sa cable box mo sa pamamagitan ng HDMI port na may support para sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang ang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis.

  • Streaming quality na naka-set sa High o Auto.

Available ang Netflix sa HDR sa Google TV Streamer. Para manood sa HDR quality, kakailanganin mo ng:

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix, at pumunta sa kaliwa para buksan ang menu.

  2. Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulong. > Mag-sign out > Oo.

    Paalala:Kung hindi mo makita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at piliin ang Settings.

Mga Kaugnay na Article