Paano gamitin ang Netflix sa Nvidia Shield TV Android streaming media player mo

Gamitin ang article na ito para alamin ang mga feature ng Netflix sa Nvidia Shield TV Android streaming media player mo, pati na kung paano mag-set up at mag-sign out sa account mo. Kung hindi mo alam kung gumagana ang Netflix sa device mo, sundin ang steps sa seksyong “I-set Up ang Netflix.”

Available ang Netflix sa mga Nvidia Shield TV Android streaming media player. Kasama sa mga feature sa streaming ng Netflix para sa mga supported device ang:

Mga Supported na Rehiyon
Available ang Netflix sa mga Nvidia Shield TV Android streaming media player sa lahat ng rehiyon kung saan available ang serbisyo ng Netflix.

Navigation
Sa karamihan ng mga device, makakapag-browse ka sa mga row ng mga TV show at pelikula, kasama ang isang row na para lang sa mga napili mo sa List Ko. Kumakatawan ang bawat row sa isang category (gaya ng mga comedy, drama, o TV show) na ipapakita namin sa iyo batay sa mga pinanood mo.

Resolution
Karamihan ng mga device ay makakapag-stream ng Netflix sa high definition sa may mabibilis na internet connection at magpe-play ng Netflix sa pinakamataas na supported resolution.

Mga kontrol ng magulang
Puwede kang mag-set ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile.

Mga subtitle at alternate audio
Alamin kung paano i-on ang mga subtitle, closed caption, at alternate audio (kabilang ang 5.1 surround sound), na available sa maraming TV show at pelikula. Puwede mong piliin ang hitsura ng mga subtitle at caption sa maraming device. Ang ilang device ay nagpapakita ng mga subtitle at caption sa default na hitsura ng mga ito, o hindi naka-set up para magpakita ng mga subtitle.

Sa ilang device, puwede ka ring mag-stream ng mga piling title gamit ang Dolby Atmos audio.

Supported ng mga sumusunod na Nvidia Shield TV Android streaming media player ang Dolby Atmos:

  • Shield TV (2019)

  • Shield TV Pro (2019)

Para i-connect ang Nvidia Shield TV Android streaming media player mo sa Netflix account mo, tiyaking nasa Home screen ka at sundin ang steps sa ibaba.

  1. Mula sa home screen, piliin ang Netflix.

  2. Piliin ang Pag-sign In ng Member.

  3. Ilagay ang email address at password mo sa Netflix.

  4. Piliin ang Magpatuloy.

Naka-connect na ngayon sa Netflix account mo ang device mo.

Para makapag-sign out sa Netflix account sa device mo, sundin ang steps na ito.

  1. Pumunta sa home screen ng Netflix at pindutin ang back button sa remote mo para pumunta sa menu.

  2. Kung nasa taas ang menu: Pumunta sa kaliwa sa profile icon mo, piliin ang Humingi ng Tulong, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Kung nasa kaliwa ang menu: Sa ibaba, piliin ang Humingi ng Tulng, pagkatapos ay ang Mag-sign out, at pagkatapos ay piliin ang Oo.

    Tandaan:Kung hindi mo nakikita ang Humingi ng Tulong, pumunta sa itaas at piliin ang Settings.

Kung hindi mo makita ang Humingi ng Tulong, Settings, o Mag-sign out:

  1. Gamit ang remote mo, pindutin ang mga button na ito sa ganitong pagkakasunod-sunod: Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left, Right, Up, Up, Up, Up.

  2. Sa lalabas na menu, piliin ang Mag-sign out, Magsimula Ulit, I-reset, o I-deactivate.

Available ang Netflix sa Ultra HD sa lahat ng Nvidia Shield TV Android streaming media player. Para makapag-stream sa Ultra HD, kakailanganin mo ng:

  • Isang TV na compatible sa Ultra HD streaming mula sa Netflix, na naka-connect sa Nvidia Shield Android TV mo sa pamamagitan ng HDMI port na supported sa HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Isang plan na supported ang pag-stream sa Ultra HD. Puwede mong tingnan kung nasa aling plan ka ngayon sa netflix.com/ChangePlan.

  • Tuloy-tuloy na bilis ng internet connection na 25 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Naka-set ang quality ng pag-stream sa Auto o High. Mas marami pang impormasyon tungkol sa settings ng quality ng video ang makikita sa aming article na Mga Setting ng Playback.

Available ang Netflix sa HDR sa Nvidia Shield TV at Nvidia Shield TV Pro. Para mag-stream sa HDR, kailangan mo ng:

  • Netflix plan na kayang mag-stream sa HDR.

  • Streaming device na kaya ang HDR.

  • Smart TV na kaya ang Dolby Vision, HDR10, o HDR10+ na naka-connect sa device mo gamit ang HDMI port na kaya ang HDCP 2.2 o mas bago (karaniwang HDMI 1 port).

  • Steady na bilis ng internet connection na 15 megabits per second o mas mabilis pa.

  • Settings ng playback na naka-set sa High.

Mga Kaugnay na Article