Paano manood ng Netflix sa projector mo
Naka-install na ang Netflix app sa karamihan ng mga device na supported ng Netflix. Mahahanap mo ito mula sa main menu, sa listahan ng mga app, o mula sa Netflix button sa remote. Kung hindi mo makita ang Netflix sa main menu o sa remote, posibleng mada-download mo ito mula sa app store ng device mo.
Kung hindi mo mahanap ang app store o hindi mo makita ang Netflix, kontakin ang manufacturer ng device mo.