Netflix Error U7361-1253-800705AA

Kung nakikita mo ang error code na U7361-1253-800705AA sa Windows computer mo, karaniwang ang ibig sabihin nito ay kailangang i-update ang computer mo. Sundin ang steps sa ibaba para ayusin ang problema.

Windows 10

Mag-update ng Windows

  1. Pindutin ang Windows Key sa keyboard.

  2. Piliin ang Settings .

  3. Piliin ang Update & security.

  4. Iche-check ng Windows kung may mga update. Kung hindi, piliin ang Check for updates.

  5. Kapag na-install na ang mga update, i-restart ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.

I-install ang Windows Media Feature Pack

Kung Windows 10 N o Windows 10 KN edition ang ginagamit mo, ang suggestion namin ay i-download ang Windows Media Feature Pack. Kapag tapos na ang pag-download, i-restart ang computer mo at subukan ulit ang Netflix. Mave-verify mo kung aling Windows Edition ang ginagamit mo sa pamamagitan ng paghahanap sa About your PC sa Windows.

Paalala:
Kung wala kang nakikitang Windows Media Feature Pack para sa version mo ng Windows 10, makipag-ugnayan sa Microsoft para sa tulong sa pag-alam sa kung aling Windows Media Feature Pack ang naaangkop sa computer mo.

Windows 11

I-update ang Windows version mo

Gamitin ang mga link sa ibaba para makuha ang steps para tingnan kung may mga update sa version mo ng Windows, at subukan ulit ang Netflix.

Hindi makakapag-update ang mga computer na gumagamit ng Windows XP o Vista sa version na supported ng Netflix. Inirerekomenda naming gumamit ng computer na may naka-install na Windows 10 o mas bago.

Mga Kaugnay na Article